TINUNGGA ni Jav ang alak sa baso at inilapag sa ibabaw ng mesa. "I don't know what to do now, Patrick. Parang kahit anong gawin ko, parang palaging mali. Humingi na ako ng tawad pero ayaw ako pakinggan ni Elorda." “Pare, tama na ‘yan,” sabi ni Patrick, marahang inaabot ang bote sa kamay ni Jav. “Hindi ‘to makakatulong sa’yo.” Pero tumawa lang si Jav, mapait at lasing na. “’Yan din ang sabi mo no’ng una, ‘di ba? Pero ayan oh, buhay pa rin naman ako. Ang alak na ito ang sagot para makalimutan ko sandali ang mga problema ko." “Jav…” buntong-hininga ni Patrick, sabay napailing ng ulo. “Si Elord, kumusta na pala siya? Wala namang masamang nangyari sa ipinagbubuntis niya?” Napahinto si Jav, tinungga pa ang natitirang alak bago sumagot. “Nasa maayos na silang kalagayan ng anak ko. Maigi na lamang at andoon sa bahay sina Inay, kung wala sila. Baka nga nawala na ng tuluyan ang anak namin." Umiling si Patrick. “Kasalanan mo rin naman, pare. Alam mong buntis siya, tapos nagawa mo pang sakt
Last Updated : 2025-11-03 Read more