MAYA-MAYA pa, dumating na ang mga magulang ni Jav. Isa-isa rin ipinapasok ng mga kasambahay ng mga Monasterio ang dala-dalang prutas at tray ng pagkain. Namangha sina Elina at Sicandro sa dami ng mga pagkain na pumapasok sa loob ng bahay. Parang may fiesta o may malaking handaan sa dami. Pamilya at mga kaibigan lang ang imbitado. Iniisip na nila kung mauubos kaya nila ang mga pagkain na inihanda ng mga Monasterio. "Nasa sala na nga sila, Ate..." sabi pa ni Eros habang mabilis na lumalapit sa kanilang mag-asawa. Nagkatinginan sina Jav at Elorda. "Hindi ko inaasahan na maaga silang pumunta," nakangiting turan niya na hawak pa rin ang kamay ni Elorda. "Baba na kami, Ate," singit na sabat ni Elaine, karga na niya ang anak na maliit. "Sige, Elaine. Pakitulungan sina Inay at Itay sa pag-asikaso sa mga bisita," sabi naman na pakiusap ni Elorda. "Kami na ang bahala sa kanila, Ate Elorda," sabat ni Harry. Hindi napigilan ni Elorda ang matawa. "Ate, talaga? Mas matanda ka pa sa akin, H
최신 업데이트 : 2025-12-22 더 보기