"HI, mahal ko... kumusta ang unang araw mo sa JE?" tanong ni Elorda kay Jav. Kauuwi lang ng asawa niya at sinalubong niya iyon. Nakangiting napatingin si Jav sa asawa. “Nakakapagod… pero masaya,” sagot ni Jav, humugot muna ng malalim na hinga bago yumakap kay Elorda. “Ibang-iba na ang JE ngayon. Ang daming nagbago. Pero siguro… kaya ko namang sabayan.” Hinaplos ni Elorda ang likod niya, ramdam ang bigat ng araw na dala nito. “Alam kong kakayanin mo. Ikaw pa? Kahit anong bigay nila sa’yo, kaya mong lampasan.” Napangiti si Jav, medyo napapikit pa habang nakasubsob sa balikat ng asawa. “Alam mo, mahal… habang nasa opisina ako kanina, ang iniisip ko lang, maka-uwi agad dito. Miss na miss na kita. Kayo ng mga bata." Napadako ang tingin niya sa maumbok nang tiyan ni Elorda. Napahalakhak nang mahina si Elorda at hinila ang mukha ni Jav para tingnan ito. “Gano’n? First day mo pa lang, nami-miss mo na ako agad? Saka, okay lang kami ng mga anak mo sa bahay." “Siyempre, miss ko na kayo. H
Terakhir Diperbarui : 2025-12-11 Baca selengkapnya