INAAYUSAN na si Elorda ng make up artist na kinuha ng pamilya Monasterio. Sapat na nga para kay Elorda ang hindi mamahaling make up artist. Kahit iyong mga nasa saloon lang. "Ang ganda mo naman, Ate Elorda," humahangang sabi ni Eros. Napatingin si Elorda sa salamin at mula roon ay nakita niya ang kanyang buong pamilya na papalapit sa kanya. "Puwede mo bang bigyan mo muna kami ng oras makapag-usap ng pamilya," pakiusap niya. "Sige po, ma'am," sagot ng make up artist at umalis na ito. "Ang ganda mo nga, Ate." Giit ng nakangiting si Elaine. Napaismid si Elorda. Hindi makapaniwala sa mga tinuran ng kanyang mga kapatid. "Maganda ka talaga, anak," sabat ni Elina, ang kanyang inay. "Siyempre naman, asawa ko. Sayo nagmana ang mga anak natin..." ani ni Sicandro. Napangiti si Elorda, ngunit may bahagyang kaba sa kanyang mga mata. Marahan siyang huminga nang malalim habang pinipigilan ang emosyon. “Inay, Itay…” mahinang tawag niya. “Parang hindi pa rin ako makapaniwala na ngayong araw
Última actualización : 2025-12-29 Leer más