"GUSTO ko sanang imbitahan kayo sa bahay. Nagpahanda ako para sa fiesta ng San Carlos..." sabi ni Manuel. "Hala, fiesta pala." Masayang sabat ni Elina. "Opo. Kaya po nagpahanda po ako ng kaunti nating pagsasaluhan." Napangiti si Elorda sa narinig. Matagal na rin mula nang huli siyang makaramdam ng ganitong gaan sa loob. Iypng simpleng saya na dulot ng imbitasyon at malasakit. “Manuel, masyado ka namang mag-abala,” sabi ni Elorda. “Hindi na sana kayo gumastos.” “Hindi po ‘yon abala,” mabilis na sagot ni Manuel. “Fiesta po. Mas masaya kapag may kasalo.” Nagkatinginan sina Elina at Elorda. Kita sa mukha ng ina ang tuwa, tila matagal na nitong gustong makakita ng ngiti sa labi ng anak. “O siya, pupunta kami,” masayang sabi ni Elina. “Hindi ba, Elorda?” Nag-alinlangan sandali si Elorda, saka tumango. “Sige po. Sandali lang naman.” Lalong lumiwanag ang mukha ni Manuel. “Maraming salamat po. Bukas po ng umaga, ha. Malapit lang naman po ang bahay ko.” Pagkaalis ni Manuel, napailin
Última actualización : 2025-12-30 Leer más