Tahimik ang buong studio. Hindi dahil sa utos ng direktor, kundi dahil sa biglaang linya na binitawan ni Katrina. "Kung tutuusin, matagal na akong fiancée ni Xayvier. Hindi ako 'yung sumingit—ako 'yung nauna." Parang may granadang sumabog sa gitna ng set. Lahat ng mata, mula sa crew hanggang sa makeup artist, ay napalingon. Ang iba, napatigil pa sa paghinga. Ang assistant cameraman na kanina’y umiinom ng kape, nabilaukan. Ang staff na hawak ang clipboard, napamura sa gulat, “Ay, put*ng—” Ang mata ni Madam Celeste, bahagyang nanlilisik pero may halong pananabik. Eksaktong ganito ang moment na gustong-gusto niya, yung tipong kayang magpatumba ng ratings at magpa-trending sa lahat ng social media platforms. Isang staff ang mabilis na lumapit sa kanya at bumulong, "Ma'am, viral na agad. May hashtag na po: #FiancéeReveal. May mga meme na rin." Napangisi si Madam Celeste. “Excellent.” Agad siyang tumayo mula sa director’s chair at humarap sa camera. Sa loob-loob niya, jackpot. Hindi
Terakhir Diperbarui : 2025-06-15 Baca selengkapnya