Matapos ang masayang hapunan, unti-unting humupa ang tawanan sa mesa. Si Yuki, habang hawak ang tiyan at bahagyang inaantok, ay maingat na tumayo.“Mag-CR lang po ako,” paalam niya sa mga kasama“Dalian mo lang ha, baka magpa-second round si Sir Jules ng dessert. HAHAHAHAHA” naka tawang sabi ni Vina.Naglakad si Yuki sa hallway patungong restroom. Tahimik. Maaliwalas. Sobrang komportable, agad niyang binuksan ang pinto ng Comfort room saka dumeretso sa isa pang cubicle sa loob saka nag sinulang ilabas ang tubig na kanina pa nag pipilit umalis sa katawan niya, matapos niyang umihi at mag ayos ng sarili ay agad siyang lumabas, pero pagbukas niya ng pinto ng isang cubicle ng comfort room..Bumungad agad ang malamig na presensya ng isang taong hindi niya inakalang makikita pa niya.Si Katrina.Matangkad, naka-black dress, naka-cross arms at nakasandal sa pader, waring kanina pa naghihintay.“Tagal mong lumabas,” malamig ang boses nito.Napahinto si Yuki, pero pinanatili ang pagiging kalma
Last Updated : 2025-06-27 Read more