Kung ang unang vlog ni Yukisha ay pumatok na parang bagong labas na tsismis sa labas ng barangay hall, ang ikalawang vlog ni Yukisha ay parang pancit canton na may extra calamansi, maalat, maasim, at sobrang satisfying.Araw ng Sabado. Wala silang pasok. Pero sa loob ng penthouse ni Xayvier, may tensyon. Hindi dahil sa stress, kundi dahil sa balak ni Yukisha.“Gumising ka na,” bulong niya habang hawak ang isang malaking plastik na may lamang tubig at yelo.Hindi kumikilos si Xayvier. Tila isang inosenteng diyos na natutulog, nakayakap sa unan, buhok niya’y parang bagong blow-dry ng salon sa Tokyo. Sayang. Pero kailangan.“Sorry, love. Pero para sa views ‘to,” aniya, sabay buhos ng malamig na tubig sa leeg ni Xayvier.“AAAARGH! ANO ‘TO?! YUKISHA, DIYOS KO!” Napabangon si Xayvier, tulala, habang nanginginig at namumutla.“Good morning! Welcome sa Episode 2 ng YukiLang Vlogs:Gisingin si Boss gamit ang Eskenol na may Yelo!” sigaw ni Yukisha sa camera habang tawang-tawa.“Yuki, mahal kita,
Last Updated : 2025-06-11 Read more