Pagkalipas ng ilang araw, nagsimulang dumalaw ang ilan sa kanyang mga katrabaho. Bitbit nila ang mga bulaklak, prutas, at mga mensahe ng suporta. Isa sa kanila ang nagdala ng isang scrap book na gawa ng buong team—puno ng photos nila ni Alexis sa opisina, mga caption ng “We miss you,” “Get well soon,” at “Balik ka na, Boss!”Hindi niya napigilang mapangiti.“Nakakamiss din kayo,” wika niya habang tinitingnan ang bawat pahina.“Hindi mo lang alam, Lex,” sabi ng isa sa kanila, “pero nung nawala ka, parang kulang ang opisina. Hindi lang dahil sa trabaho mo, kundi dahil sa aura mong nakaka-inspire. Baka akala mo fashion lang ang naiambag mo, pero mas malalim pa doon.”Napayakap siya sa mga ito, damang-dama ang pagkakaugnay-ugnay nila hindi lang bilang mga kasamahan sa trabaho, kundi bilang mga kaibigan at ka-alyado sa personal niyang laban.Pagkatapos ng masayang kuwentuhan, tawanan, at pagbibigay ng mga munting regalo ng mga katrabaho ni Alexis, dumating ang isa pang hindi inaasahang san
Last Updated : 2025-07-14 Read more