Matapos basahin ni Ralph ang liham, hindi siya agad nagsalita.Hindi kumibo. Nakaupo siya sa may sofa sa kanilang sala, hawak-hawak pa rin ang papel, bahagyang nakayuko. Nakakunot ang noo niya—hindi dahil sa galit o gulo ng isip, kundi dahil tinatantiya niya kung paano sasabihin ang lahat ng nararamdaman niya… nang hindi masyadong madramang pakinggan.Si Alexis, mula sa kusina, patagong sumilip. Nakatunghay kay Ralph sa magiging reaksyon nito. Hindi alam kung lalapit ba siya o hahayaan munang lumamig ang eksena. Hindi rin siya sigurado kung na-touch si Ralph, o kung… na-overwhelm.Pero sa sunod na sandali, tumayo si Ralph.Tahimik pa rin.Lumapit siya kay Alexis, mabagal, walang ngiti, pero hindi naman masyadong seryoso. Walang dramatikong yakap, walang halik. Tumigil lang siya sa tapat ng asawa, tinignan ito sa mata, saka iniabot muli ang liham gamit ang dalawang kamay, dahan-dahan.“Salamat,” mahinang sabi niya.‘Yun lang ngunit ramdam ni Alexis ang malalim na kahulugan ng pasasala
Last Updated : 2025-07-16 Read more