แชร์

Chapter 174 One Down

ผู้เขียน: zeharilim
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-07 21:40:38

Theo's POV

Ilang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin kaming nakapasok sa loob ng mall. Dumaan kami sa likod na siyang dinaanan din ng grupo ni Vince. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga taong nakasubsob sa sa sahig habang rinig ang kanilang paghagulhol.

Ngunit bukod pa sa mga taong iyon ay may nakita rin akong nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo. Ikinuyom ko ang kamao nang makita ko ang walang malay na katawan ng mga biktimang iyon.

Nanlaban ba sila o sinadyang gawin iyon sa kanila upang wala ni isa man ang magreklamo?

Hindi nagtagal ay natigil ako nang makita ko si Karlo na natigil sa pagbaba at nakatayo sa gitna ng hagdanan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay naman nito ay abala sa hawak nitong cellphone.

Mula roon ay kita sa mukha nito ang inis ganoon din ang pagkairita.

Hanggang sa maya-maya ay gigil niyang itinapon iyon na ikinakislot ng mga biktimang nasa ibaba ng hagdang iyon. Probably, he's texting Samantha. Ba
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • His Dangerous Desire   Chapter 176 An Ally or An Enemy

    Third Person's POV"What? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Irigo kay Theo mula sa kabilang linya. "Ibibigay mo ang lahat ng ari-arian ng mga Buendia kay Carlo? Nababaliw ka na ba?""Seryoso ako, kuya," tugon ni Theo. "Mas pipiliin ko ang buhay ni Neo kaysa sa kahit na ano mang ari-ariang mayroon ang pamilya natin.""Pero walang kasiguraduhan kung tototohanin ba niya ang pangako niya kapag ibinigay mo ang gusto niya!" gigil na anas ni Irigo. "Tuso ang lalaking 'yan, Theo. Hindi mo alam kung anong ugali meron ang taong kaharap mo. Wag kang basta-basta magpapaniwala dyan."Mapakla siyang natawa. "Alam ko kung anong klaseng tao si Carlo, kuya. Kung tuso siya, mas tuso ako. Magtiwala ka. Hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikapapahamak namin dito. I just need to do this. I need to end this. Hindi ba't iyon naman ang gusto nating lahat?"Hindi nakaimik si Irigo bagkus ay gigil niyang ikinuyom ang kanyang kamao sa mga sandaling iyon. Bagamat nasa kalagitnaan

  • His Dangerous Desire   Chapter 175 Dangerous Desire

    Theo's POV"What?" kunot-noong tanong ko. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya. "You heard me, Theo. Kung ayaw mong malagay sa panganib ang mga mahal mo sa buhay, you're going to do as I say. Madali lang naman. Iyon ay kung gugustuhin mo lang naman. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."Hindi ako umimik sa mga sandaling iyon bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. Napaisip ako at inisa-isa ang mga bagay na binanggit niya sa akin kanina. Muli ay binalingan ko siya ng tingin kung saan ay nananatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ni Neo. Hawak niya ang kanyang baril habang nakatuon ang atensyon sa akin at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko."Seryoso ka?" naniningkit ang mga mata kong anas. "You want to...take everything?"Mapakla siyang natawa. "Mukha ba 'kong nagbibiro? Pagdating sa ganitong mga bagay, sa tingin mo, magbibiro ako? Kulang pa nga eh! Dapat sana pati buhay mo kukunin ko, pero kahit paano ay may konsiderasyon naman ako.""Nababaliw ka na ba?" bulalas ko. "

  • His Dangerous Desire   Chapter 174 One Down

    Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin kaming nakapasok sa loob ng mall. Dumaan kami sa likod na siyang dinaanan din ng grupo ni Vince. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga taong nakasubsob sa sa sahig habang rinig ang kanilang paghagulhol. Ngunit bukod pa sa mga taong iyon ay may nakita rin akong nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo. Ikinuyom ko ang kamao nang makita ko ang walang malay na katawan ng mga biktimang iyon. Nanlaban ba sila o sinadyang gawin iyon sa kanila upang wala ni isa man ang magreklamo?Hindi nagtagal ay natigil ako nang makita ko si Karlo na natigil sa pagbaba at nakatayo sa gitna ng hagdanan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay naman nito ay abala sa hawak nitong cellphone. Mula roon ay kita sa mukha nito ang inis ganoon din ang pagkairita. Hanggang sa maya-maya ay gigil niyang itinapon iyon na ikinakislot ng mga biktimang nasa ibaba ng hagdang iyon. Probably, he's texting Samantha. Ba

  • His Dangerous Desire   Chapter 173 This is Enough

    Theo's POVLabis pa sa labis ang kaba ko sa mga sandaling iyon nang marinig ko ang sinabing iyon ni Alya. Totoo nga ang sinabi ng isa sa mga kasamahan nina Evan at Vince na bumalik na ng bansa si Carlo at ang grupo nito. Aaminin ko. Noong una ay wala akong ibang maramdaman kundi takot at kaba lalo na't wala akong ideya kung ano ang nangyari at kung saan dinala si Neo. Pero sa ngayon na alam ko ng ligtas siya ay hindi na ako aatras pa sa oras na magkaharap kami ni Carlo o ng kahit na sino. Buong tapang ko siyang haharapin at wala akong pakialam kung ano pang gawin niya sa akin. Sa puntong ito ay wala akong ibang gusto at dapat na isipin kundi ang mga taong malapit sa akin. Ayaw kong makaramdam ng takot ang mga mahal ko sa buhay habang kapiling ko sila. This is enough.Nang makarating kami sa TL Megamall ay naabutan namin ang grupo ng kapulisan na nakapaligid sa labas ng mall. Halos lahat sila ay nakahanda na sa maaaring mangyari sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi nagtagal pagdatin

  • His Dangerous Desire   Chapter 172 The Nightmare of Yesterday's Dream

    Samantha's POV After fifteen hours of long flight, nakarating na rin kami sa Pilipinas. Matapos naming makalabas ng airport ay agad kaming nagtungo sa parking area kung saan naghihintay si Mr. Irigo ganoon din ang anak nitong si Taylor. Nang tuluyan na kaming makarating doon ay agad na kinatok ni Theo ang pinto sa driver's seat. Mula roon ay lumabas si Mr. Irigo na mabilis pa sa alas-kuatrong niyakap ang kapatid nito. Ngunit sa kalagitnaan naman ng kamustahan nilang iyon ay natigil ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. It was Taylor. Nakangiti ito sa mga sandaling iyon. Ginantihan ko rin siya ng ngiti ngunit hindi kalaunan ay nabali ang ngiting iyon nang agad ako nitong niyakap. I was surprised seeing her showing me that kind of affection. Bagamat malapit kaming dalawa at kulang na lang ay ituring namin ang isa't-isa na pamilya ay mayroon pa ring limitasyon iyon. For all I know, ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang makipagyakapan sa kahit na sino. But this

  • His Dangerous Desire   Chapter 171 The First and The Last

    Neo's POV"Carlo planned to take everything away from Theo.""He wants to destroy all of it and everything in it."Hanggang sa mga sandaling iyon ay inuulit-ulit ko pa rin ang sinabing iyon ni papa. Buong akala ko ay naghihiganti lamang si Carlo para sa kapatid nitong si Eleanor. Ang buong akala ko ay gusto lamang nitong pahirapan si tito Theo sa kadahilanang gusto niyang maramdaman nito ang naramdaman ng kanyang kapatid. Iyon pala ay lubos pa sa lubos ang gusto nito. It wasn't just about the revenge, but it's about his greediness over those things that he never had. Ano ang motibo niya sa lahat ng ito? Hindi kalaunan ay naputol ang pagmumuni-muni kong iyon nang marinig ko ang muling sinabi ni papa. "I always hate Theo," aniya at bahagyang umiling. "Wala akong ibang napansin sa kanya kundi ang mga kamalian niya. Galit na galit ako kay kuya Irigo dahil masyado siyang nagpapasensya sa lalaking 'yon. Binabastos na siya pero wala pa rin siyang ibang ginawa kundi ang maging kalmado."P

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status