Home / Romance / His Dangerous Desire / Chapter 175 Dangerous Desire

Share

Chapter 175 Dangerous Desire

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-08-10 21:32:29

Theo's POV

"What?" kunot-noong tanong ko.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya. "You heard me, Theo. Kung ayaw mong malagay sa panganib ang mga mahal mo sa buhay, you're going to do as I say. Madali lang naman. Iyon ay kung gugustuhin mo lang naman. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."

Hindi ako umimik sa mga sandaling iyon bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. Napaisip ako at inisa-isa ang mga bagay na binanggit niya sa akin kanina.

Muli ay binalingan ko siya ng tingin kung saan ay nananatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ni Neo. Hawak niya ang kanyang baril habang nakatuon ang atensyon sa akin at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.

"Seryoso ka?" naniningkit ang mga mata kong anas. "You want to...take everything?"

Mapakla siyang natawa. "Mukha ba 'kong nagbibiro? Pagdating sa ganitong mga bagay, sa tingin mo, magbibiro ako? Kulang pa nga eh! Dapat sana pati buhay mo kukunin ko, pero kahit paano ay may konsiderasyon naman ako."

"Nababaliw ka na ba?" bulalas ko. "
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 180 Anywhere With You

    Samantha's POV Agad akong natigil sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Namilog ang mga mata ko habang suot ang hindi mapatid na ngiti sa mga labi ko. I turned to him. At sa paglingon kong iyon sa kanya ay agad na nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Hindi kalaunan ay dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. He hugged me back and then kissed me on my forehead. "I thought I lost you," anas ko sabay haplos sa kanyang magkabilang pisngi. "Are you okay? Anong nangyari sa 'yo roon sa loob? May ginawa ba sa 'yo si Carlo? Sinaktan ka ba niya? What took you so long?"Hindi siya umimik bagkus ay napangiti lamang siya habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. Maya-maya ay hinapit niya ang bewang ko kasunod niyon ay dinampian niya ako ng mapusok na halik sa labi na agad ko rin namang ginantihan. Sa pagkalas namin sa isa't-isa ay kapwa namin habol-habol ang hininga namin. Nguni

  • His Dangerous Desire   Chapter 179 The Storm Has Lifted

    Theo's POVMatapos mawalan ng malay ni Carlo at ng pamangkin nito ay agad nang kumilos ang team ni Vince. Dali-dali nilang hinuli ang ilan pang kasamahan ng mga ito na sa mga sandaling iyon ay nagbabalak pang magtanim ng bomba sa loob ng mall. Sa kabilang banda naman ay pumasok na rin ang ilan sa mga kapulisan at agad na inasikaso ang mga hostage. Agad silang pinalabas sa lugar na iyon at binigyan ng medical care lalong-lalo na ang mga taong nasugatan. Sa puntong iyon ay lubos na lamang ang pagpapasalamat namin dahil wala ni isa man sa mga taong nandoon ang nalagasan ng buhay. Except Neo's father. Hindi ko inaasahan na gagawin ni kuya Bino ang isakripisyo ang buhay niya para lamang sa kapakanan ng anak niya ganoon din ng mga mahal niya sa buhay. Kahit na hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa ay nagawa pa rin niyang piliin ang nararapat. Habang inilalabas ang bangkay ni kuya ay tahimik lamang ding nakasunod dito si Neo. He might not show it, pero sigurado ako na l

  • His Dangerous Desire   Chapter 178 So Long

    Theo's POV "Are you sure about this?" bungad na tanong sa akin ni Vince. "Baka naman nabibigla ka lang sa mga desisyon mo? Pag-isipan mo ng mabuti, Theo. May iba pang paraan at magagawan pa natin ng paraan ang tungkol dito. Nandito ang team ko at handang hulihin ang team ni Carlo."Hindi ko siya sinagot bagkus ay binalingan ko ng tingin si Carlo ganoon din ang pamangkin nito. Nasa second floor sila at mataman kaming pinagmamasdan. Hindi kalaunan ay tinapunan ko ng tingin si Neo na sa mga sandaling iyon ay kunot-noong nakatanaw sa kinalulugaran namin. Muli kong hinarap si Vince. "Siguradong-sigurado na 'ko. Just trust me on this. Kahit ni minsan ay wala pa 'kong plano na pumalpak pagdating sa mga ganitong bagay."Napangisi siya at bahagyang natawa. Matapos niyon ay agad niyang iniabot sa akin ang hawak niyang mga papeles na kinuha niya mula kay kuya Irigo. Sa pagbukas ko ng envelope ay agad kong inilabas ang mga importanteng dokumentong nakalakip doon. Lihim akong napangiti habang i

  • His Dangerous Desire   Chapter 177 Everything's All Planned

    Samantha's POVTulalang nakatuon ang tingin ko sa cellphone ko habang kita ko ang contact na nakalitaw sa screen ng cellphone ko. Sa puntong iyon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Am I going to answer it or ignore it?Umiling ako kasunod niyon ay ang paghugot ko ng isang malalim na hininga. Minabuti kong alisin sa isip ko ang lubos na pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay at mag-focus na muna sa kung ano ang nasa harapan ko. Hindi kalaunan ay pinindot ko ang answer button at mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses ni Ms. L."Hello, Samantha," mahinahon niyang anas."Hello, Ms. L," bati ko rin.Gustuhin ko mang segundahan ang pagbati kong iyon sa kanya ay tila ba hindi ko maibuka ang bibig ko sa mga sandaling iyon. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari o di kaya sa kung anong maaari niyang sabihin na tiyak na hindi ko magugustuhan. "It's been a long time," pagpapatuloy niya. "Kamusta? Matagal na rin simula nang huli tayong magkausap. Ayos ka lang ba?"Seriously? Kung kail

  • His Dangerous Desire   Chapter 176 An Ally or An Enemy

    Third Person's POV"What? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Irigo kay Theo mula sa kabilang linya. "Ibibigay mo ang lahat ng ari-arian ng mga Buendia kay Carlo? Nababaliw ka na ba?""Seryoso ako, kuya," tugon ni Theo. "Mas pipiliin ko ang buhay ni Neo kaysa sa kahit na ano mang ari-ariang mayroon ang pamilya natin.""Pero walang kasiguraduhan kung tototohanin ba niya ang pangako niya kapag ibinigay mo ang gusto niya!" gigil na anas ni Irigo. "Tuso ang lalaking 'yan, Theo. Hindi mo alam kung anong ugali meron ang taong kaharap mo. Wag kang basta-basta magpapaniwala dyan."Mapakla siyang natawa. "Alam ko kung anong klaseng tao si Carlo, kuya. Kung tuso siya, mas tuso ako. Magtiwala ka. Hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikapapahamak namin dito. I just need to do this. I need to end this. Hindi ba't iyon naman ang gusto nating lahat?"Hindi nakaimik si Irigo bagkus ay gigil niyang ikinuyom ang kanyang kamao sa mga sandaling iyon. Bagamat nasa kalagitnaan

  • His Dangerous Desire   Chapter 175 Dangerous Desire

    Theo's POV"What?" kunot-noong tanong ko. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya. "You heard me, Theo. Kung ayaw mong malagay sa panganib ang mga mahal mo sa buhay, you're going to do as I say. Madali lang naman. Iyon ay kung gugustuhin mo lang naman. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."Hindi ako umimik sa mga sandaling iyon bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. Napaisip ako at inisa-isa ang mga bagay na binanggit niya sa akin kanina. Muli ay binalingan ko siya ng tingin kung saan ay nananatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ni Neo. Hawak niya ang kanyang baril habang nakatuon ang atensyon sa akin at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko."Seryoso ka?" naniningkit ang mga mata kong anas. "You want to...take everything?"Mapakla siyang natawa. "Mukha ba 'kong nagbibiro? Pagdating sa ganitong mga bagay, sa tingin mo, magbibiro ako? Kulang pa nga eh! Dapat sana pati buhay mo kukunin ko, pero kahit paano ay may konsiderasyon naman ako.""Nababaliw ka na ba?" bulalas ko. "

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status