Theo's POV"Do you think, papalag si tita Samantha dito sa mga kalokohang pinaggagagawa mo?" ani Neo na agad kong ikinahinto sa ginagawa ko. "Hindi ko naman sinasabing pangit ang ideyang 'to pero parang hindi kasi 'yong tipo ng babae na mahilig sa mga ganitong laro."Umangat ang dalawang kilay ko. "So, you're telling me na boring ang girlfriend ko, ganon ba?"Natawa siya ngunit hindi rin naman kalaunan ay naputol ang hagalpak niyang iyon."I'm not saying she's boring," pagseseryoso niya. "I'm saying na baka hindi niya patulan ang pakulo mong 'to dahil hindi siya mahilig sa mga ganitong klaseng set up. Other than that, siguradong galit 'yon dahil ngayon ka lang nagparamdam sa kanya – ngayon ka lang nag-respond sa mga tawag at text niya."Napaisip ako sa pahayag na iyon ni Neo.Kung tutuusin ay nasa plano ko talagang huwag siyang pansinin sa buong maghapon. Of course, I don't want that either. Walang araw na hindi ko siya kinakamusta, walang araw na hindi ko siya tini-text o tinatawagan
Last Updated : 2025-09-14 Read more