Home / Romance / His Dangerous Desire / Chapter 229 Nowhere Around

Share

Chapter 229 Nowhere Around

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-09-13 23:18:20

Samantha's POV

Matapos naming kumain ng almusal ay nagtungo kami sa pool area upang magtambay doon. Ilang minuto ang nagdaan ay napagpasyahan naming maglibot-libot sa buong resort. Kahit paano ay gusto naming mabawi ang perang ginastos ni Theo sa pananatili namin dito lalo na at isang araw nalang ang natitira bago namin lisanin ang lugar.

Sa puntong iyon ay kung saan-saan kami nakarating.

Marami rin kaming nakasalamuhang tao at nakakuwentuhan. Mayroon ding nakipagkilala kay Alya na hindi maitatangging type na type niya. Pero ang masaklap ay hindi niya tinanggap ang offer na date ng lalaking iyon.

Ang dami niyang sinabing dahilan na kung tutuusin naman ay walang sense ang mga iyon.

Dumating ang tanghalian ay naghanap ulit kami ng makakainan. Right at that moment, sa ibang restaurant naman kami nagpunta. Pero nang mga sandaling iyon ay lubos akong nagtataka kung bakit kahit saang sulok ng resort ay hindi ko mahagilap ang magtiyuhin.

Kadalasan ay ayaw ng lalaking iyon na mawala ako sa pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 300

    Theo BuendiaIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko habang titig na titig ako sa babaeng naglalakad patungo sa altar at sa akin. She's wearing a white dress and a veil. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga sandaling iyon because of the fact that after an hour, she's going to be my wife.Maya-maya ay narinig ko ang pagtikhim ni Neo kasunod niyon ay ang pagsiko niya sa akin."Other than marrying her, sa tingin ko ay may kailangan ka pang tuparin sa kanya," halos pabulong niyang sambit. "Naalala mo 'yong bahay at lupa na ipinangako mo pagkatapos mo siyang makilala? She remembered that. Kaya kung ako sa 'yo, after ng event, doon mo siya iuwi."Marahan akong tumango sabay tapik sa kanyang braso."Thanks for the reminder," anas ko na mahina niyang ikinatawa.Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na rin siyang nakarating sa altar. Ramdam ko ang nginig ng buong katawan ko sa mga sandaling iyon hindi dahil sa gutom kundi dahil sa tuwa

  • His Dangerous Desire   Chapter 299

    Samantha's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko matapos ang ilang minutong iginugol ko sa pagsasabi ng katotohanan kay Theo.Sa puntong iyon ay nakaupo lamang siya roon na hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. Bukod pa roon ay kita ko ang hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha. Salubong ang kanyang dalawang kilay at mayroong tanda ng pagtataka.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon.Gusto kong tumayo mula sa kamang kinaroroonan ko o di kaya ay magtalukbong nalang dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I had no idea kung ano ang tumatakbo sa utak ni Theo at kung ano man iyon ay ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya tungkol doon."I know what you feel," mahina kong sambit na tila ba ako lang ang nakarinig. "Hindi ako magrereklamo sa kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon dahil sa pagsisinungaling ko sa 'yo. Just tell me if you're mad or you hate me. Tatanggapin ko 'yon dahil deserve ko

  • His Dangerous Desire   Chapter 298

    Theo's POVNamilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor.Tila ba nanghina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay nawalan ako ng balanse. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay napakapit ako kay Neo.Muli ay tinapunan ko ng tingin ang doktor na sa puntong iyon ay patuloy pa rin sa pagpapaliwanag sa sitwasyon ni Samantha. But my mind couldn't comprehend what I am feeling right now.Halo-halo ang mga nararamdaman ko at tila ba wala akong naririnig kundi ang utak ko na nagsisisigaw sa mga sandaling iyon."She's pregnant," bulalas ni Neo pagkaalis ng doktor. "She's pregnant! Magkakaanak na kayo. Narinig mo ba 'yon?"Marahan akong tumango. "Yeah, I did. Malinaw na malinaw sa 'kin ang mga narinig ko…""What?" ani Neo na ikinatitig ko sa kanya. "Bakit parang iba ang reaksiyon mo sa inaasahan ko? Hindi ba't gustong-gusto mo na magkaanak na kayo? You want it more than her, right? Wag mong sabihin na nagbago ang isip mo?"

  • His Dangerous Desire   Chapter 297

    Samantha's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko.It was Theo.Nakaupo siya sa gilid ng couch habang nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Hula ko na kararating lang niya dahil nakasuot pa siya ng pang-opisina niyang damit.Sa kabilang banda naman ay hindi ko akalain na nakatulog pala ako rito sa couch. Bago pa man kasi umalis si Alya ay talagang antok na antok na ako. Sa natatandaan ko ay balak ko sanang pumunta sa kwarto upang doon matulog ngunit hindi iyon ang inaasahan ko.Nabaling ang tingin ko sa orasan.It's 6:30 pm. So, I've been sleeping for almost two hours.Pinangakuan ko pa man din si Theo na ipagluluto ko siya ng dinner. Akmang babangon na ako ay siya namang paghiga ni Theo sa tabi ko kung kaya't agad akong natigil. Hanggang sa hindi nagtagal ay wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya nang isubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko ganoon din nang ikorner niya ako sa kanyang mga b

  • His Dangerous Desire   Chapter 296

    Third Person's POVAgad na umangat ang dalawang kilay ni Vince nang mabasa niya ang mga nakasulat sa notebook na nakapatong sa coffeetable.- bridal shoes and gown- groom's suit and shoes- venue- bride's bouquet- pre-meal food and dinner with dessert- hair and makeupNgunit bukod sa mga nakalistang iyon ay mayroon ding mga developed photos na nakakalat sa coffeetable na mas lalong nagpatameme sa kanya.Akmang dadamputin niya na iyon upang rekisahin ay natigil siya nang lumabas mula sa kusina si Ms. L. Ngiting-ngiti ito at ramdam din niya ang hindi matatawarang saya nito sa mga oras na iyon. Kabaliktaran naman ang reaksiyon ni Vince kung saan ay kunot-noo siyang nakatitig sa huli habang hindi maalis sa kanyang isip ang pagtataka."Mukha yatang ang saya-saya niyo ngayon. Anong meron?" bungad niyang tanong na ikinatigil nito.Tinapunan siya nito ng tingin. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa ba? Pasensya ka

  • His Dangerous Desire   Chapter 295

    Theo's POV"Kung gusto mo 'kong kausapin dahil gusto mo pang idiin ang mga nagawa ko sa 'yo, sige lang. Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibabato mo sa 'kin. Hindi ako magrereklamo," blangko ang reaksiyon niyang pahayag.Hindi ako umimik bagkus ay tinapunan ko lamang siya ng tingin.Ngunit imbes na pahabain ko pa ang katahimikang iyon ay napagdesisyunan ko na ring agad na putulin iyon.Humugot ako ng isang malalim na hininga."I don't want to stay mad at you," pagsisimula ko na ikinatigil niya. "Ayaw kong dumating sa punto itong sitwasyon natin na huli na para sa 'tin ang magkaayos. However, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inis sa ginawa mong pagsisinungaling sa 'kin. I feel betrayed and fooled, you know?"Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Ang totoo nga niyan ay nagsisisi ako sa ginawa ko. I have a lot of what-ifs on my mind. Sana hindi ko nalang sinabi sa 'yo ang totoo at sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status