Samantha's POVNamilog ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Alya. Pagak akong natawa kasunod niyon ay ang mabilis pa sa alas-kuatro kong pag-atras mula sa kanya."Anong pinagsasasabi mo?" anas ko sabay tungga ng iniinom kong tubig sa baso ko. "Umaandar na naman ang pagiging praning mo at pagiging assuming mo!"Pinantaasan niya ako ng kilay. "For your information, it's not pagiging praning or assuming. I trust my instincts more than you. Kaya kung ano man ang sinasabi ko sa 'yo ngayon dito, those are facts.""Facts?" Humagalpak ako ng tawa. "Paano magiging facts 'yang mga sinasabi mo eh wala ka namang pruweba?"She paused for a moment sabay pisil ng magkabilang pisngi ko."From the way you act, doon palang ay sigurado na 'ko," gigil niyang saad. "Pero may punto ka. Mas maganda pa rin kung may pruweba. Kaya tara at bumili tayo ng pregnancy test at nang magkaalaman na."Bago pa man niya ako mahila palabas ng pinto ay agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Umatras ako
Last Updated : 2025-11-27 Read more