Calista’s POVHindi pa man ako nakakabawi sa sobrang kabusugan ko sa tanghalian, ay heto na ulit si Marcia, parang may built-in radar kung kailan ako kailangang kulitin.“Ma’am Calista, kailangan na po nating bumalik sa etiquette room,” ani niya, habang pinupunasan ko pa ang sulok ng bibig ko.Napatingin ako kay Princess na abala pa rin sa panonood ng cartoons habang tumutuka sa tirang prutas. “Grabe naman, hindi pa nga fully digest ‘tong pagkain ko, training na agad?”“Schedule is schedule,” sagot ni Marcia na para bang siya ang punong abala sa buong mansion.Hindi ko na pinatagal pa. Tumayo ako, ini-straight ang likod ko at iniwasan nang mag-complain nang malakas—dahil nga etiquette training ‘to, baka pagbalik ko eh ipahilot na ang dila ko para maging sosyal ang kilos ng pananalita.Pagbalik namin sa etiquette room, nandoon na si Miss Regina. Nakaayos na naman ang lamesa: kutsara, tinidor, dessert fork, soup spoon, salad knife,
Last Updated : 2025-06-09 Read more