Chapter 20Calista POVUmuwi na kami sa mansion, tahimik lang ang biyahe pero dama ko ang ngiti ni Sir Levi habang nasa likod niya si Princess, tulog na tulog, nakasandal ang ulo sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam—yung kahit papaano, kahit sandali lang, parte ako ng mundong ito. Pero huwag kang magkakamali, hindi ibig sabihin nun ay comfortable na ako. Kahit kailan, hindi ako naging parte ng ganitong klaseng karangyaan. Tagilid man ang mundo ko sa kanto, at kahit pa may konting lambing ang prinsesang ito sa akin, hindi ko pa rin makalimutan na nagtatrabaho lang ako rito.Pagdating sa driveway, bumukas ang mga ilaw ng harapang gate na para bang automatic sa pagdapo ng mga gulong ng mamahaling sasakyan ni boss. Tangina, ang yaman talaga ng lalaking ’to. Parang kahit isang segundo lang na pumikit siya, may limang milyon na agad siyang kinikita. Pero kahit gano’n, may kung anong laman ang tingin niya tuwing tumitingin siya sa anak niya—parang guilt? O baka ako
Huling Na-update : 2025-06-15 Magbasa pa