Levi’s POV
Tahimik ang gabi, pero hindi ang utak ko.Kakatapos ko lang magbihis mula sa training meeting namin ng household staff nang mapadaan ako sa hallway sa second floor. Papunta sana ako sa guest room para iabot kay Marcia ang bagong uniform ni Calista, pero paglapit ko sa may gilid ng hallway, napalingon ako sa isang bukas na pinto.Doon, sa kwarto ni Princess, medyo nakabukas ang pinto—hindi malaki, pero sapat na para marinig ko ang mga boses sa loob.Boses ni Princess.At si Calista.“…gusto ko lang naman ng kausap bago matulog,” sabi ng anak ko, tila inaantok na pero pilit pa ring gising. “Si Daddy kasi laging busy.”“Eh nandito naman ako ‘di ba? Di bale, habang ako yung bantay mo, wala nang aalis. Promise ‘yan.”Tumigil ako sa gilid ng pader, hindi ko alam kung bakit. I should just keep walking. Hindi ko naman kailangan makinig sa mga kwentuhan nila. Pero para bang may kung anong humila sa akin para mChapter 67Calista POVPagkauwi ko mula sa buong araw na trabaho sa karinderya—pagod, pawisan, at may bahid pa ng mantika sa uniform ko—bumungad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng alak.Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na pinansin noong una. Pero pagkapasok ko sa bahay at nadatnan ko siyang nakaupo sa kahoy naming bangko, hawak ang bote ng gin, agad nanikip ang dibdib ko.“Lasing ka na naman,” malamig kong sambit habang inilalapag ang bitbit kong bag sa lamesa.Napatingin siya sa akin, mapupulang mata at pawis na noo. “Ikaw? May gana kang sumagot-sagot ngayon, ha?”Umiling ako, pilit iniintindi. “Kailangan ko ng pahinga, Pa. Magdamag akong nagtatrabaho.”Pero hindi siya tumigil. Tumayo siya, umalog-alog pa, at inilapit ang mukha sa akin. “Nagtatrabaho ka raw? Eh di ba pinaalis ka nga sa dati mong trabaho? Sa mansion nung mayaman mong amo? Wala ka naman talagang kayang gawin kundi mag-alis ng tsinelas ng iba, maghugas ng ping
Chapter 66Levi POVPagkatapos ng tensyonadong engkuwentro sa bahay nina Calista, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang habang papalayo ako sa lugar nila. Hindi na ako lumingon. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil hindi ko na kayang makita ang mga matang puno ng galit at pagtatanggol para kay Calista—lalong hindi ko kayang makita ang isang bata na mas may prinsipyo pa sa isang CEO gaya ko.Pagdating ko sa sasakyan, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala bago ko napagdesisyunang umuwi. Kinuha ko agad si Princess. Tahimik siyang nakaupo habang hinihintay ako, hawak-hawak ang maliit niyang backpack na may mga coloring books at laruan. Ngumiti siya nang makita ako, pero agad ding sumeryoso.“Daddy, did you find her?” tanong niya.Tumango ako, pero walang ngiti sa labi ko. “I tried.”“Did she agree to come back?”Umiling ako. “Not yet.”Wala na siyang sinabing iba. Umupo siya sa likod ng kotse habang ako naman ay na
Chapter 66Levi POVKinabukasan, maaga akong umalis. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa city patungo sa address na nasa resume ni Calista. Habang binabagtas ko ang daan papunta sa lugar nila, ramdam kong hindi ito bahagi ng lugar na madalas kong puntahan. Unti-unting lumiliit ang kalsada, nagiging makipot, at halatang rural na.Napahinto ako sa isang kanto kung saan tila wala nang kasya ang kotse. May mga tambak ng kahoy, putik sa gilid, at mga bata na naglalaro ng teks sa ilalim ng puno. Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang daan na mukhang ‘di na talaga papasukan ng sasakyan.Binaba ko ang bintana at tinawag ang isang babaeng nagwawalis sa tapat ng maliit na tindahan.“Excuse me. Where’s Calista Oraba’s house?” tanong ko, diretsong diretsa.Nagulat siya, napatingin sa akin, sabay pigil sa walis niya. “S-Sir… si Cali po?”Tumango ako.“Makipot na po ang daan papunta sa kanila. E… park niyo na lang muna po an
Chapter 64Levi POV"Alam mo ba kung saan nakatira ang nanny Cali mo?" tanong ko kay Princess habang yakap-yakap ko siya, sinusubukang patahanin.Umiling siya habang pinupunasan ang luha niya. “Hindi po, Daddy. Hindi ko po tinanong dati…”"Alright," sagot ko habang hinihimas ang buhok niya, "Gagawa ako ng paraan para bumalik siya. Pero ngayon, matulog ka na muna. Isasama na lang kita sa office hangga’t wala pa tayong nakukuhang bagong magbabantay sa’yo."Napatingin siya sa akin, gulat na gulat. “Are you sure? Isasama mo talaga ako sa trabaho mo, Daddy? Hindi mo naman ako sinasama dati kahit wala akong kasama ah…”Napayuko ako. Ramdam kong sumuntok ang katotohanang ‘yon. Ilang beses ko na siyang iniwan, ilang beses ko na siyang ginawang second priority."I just realized," mahinahon kong sagot, "kailangan ko rin iparamdam sa’yo na may care pala ako sa’yo. Pasensya na kung nakakalimutan kita at mas inuuna ko ang trabaho."
Chapter 63Calista POVUmiiyak pa rin si Princess sa isipan ko habang tahimik kaming bumabaybay sa kalsada sakay ng tricycle. Nasa kandungan ko ang bag kong mabilisang pinuno sa pag-impake, habang nasa paanan ang iba ko pang gamit—isang malaking travel bag at ilang paper bags na puro damit at personal na gamit. Sa gilid ko, tahimik si Chrisiah. Hindi niya ako matingnan nang diretso.Ang hangin sa gabi ay malamig, pero mas malamig ang dibdib ko. Para akong walang laman. Para akong tinanggalan ng hininga. Mula nang maglakad kami palabas ng mansion, hanggang sa makalampas kami sa gate, wala akong narinig kundi ang sigaw sa ulo ko—sigaw ni Levi, sigaw ng sarili kong puso, sigaw ng isang pagkakakilanlan na parang kinuha sa akin nang sapilitan.Biglang nagsalita si Chrisiah, halos pabulong.“Ate… sorry.”Napalingon ako sa kanya. Nasa gilid ng mata ko pa rin ang luha, pero hindi ko na pinunasan. Wala na akong lakas.“Sorry talaga, A
Author's Note: Sorry po kung ginulat ko kayo sa mga pangyayari HAHAHHAHAH yung tipong ang saya lang nila tapos ngayon nag away na tapos nagsisigawan pa HAHHAHAHAH ganyan naman talaga ang buhay diba? Pagkatapos ng masayang pangyayari ay double naman ang lungkot na mangyayari. Sorry po talaga kung mixed signal ang author niyo, actually may nangyari po kasi sa story ko binubuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko HAHAHHAHA hope you all understand! Pagkatapos ng masayang araw sa birthday ko ganito, malungkot naman na pangyayari ang sumalubong sa akin.Chapter 62Levi POVMagmula nang bumalik ako sa office ko sa bahay, paulit-ulit na lang ang eksenang tumatakbo sa isip ko—ang mukha ni Calista habang pinipigilan ang luha niya, ang titig niyang punong-puno ng sakit, galit, at pang-unawa. Ang mga salitang binitiwan niya na mas matalim pa sa kahit anong insulto."Pagod na akong gamitin mo… at pagod na akong magpagamit sa’yo."Sa dami ng nakausa