Panaka-naka ang sulyap ni Hashana sa side mirror sa kotse ni Rheo. Kanina pa nito nahahalata ang isang itim na ford ranger raptor na nakasunod sa kanila. Gusto niya iyong balewalain pero kanina pa niya ito napapansing nakabuntot. Mukhang hindi ito napapansin ni Rheo dahil nasa harap lang ang mata ng binata. Mukha din itong walang pakialam sa ibang sasakyan. "Giniginaw ka ba? Lumalamig kamay mo, love," pagpuna ni Rheo. Magkahawak kamay ang dalawa. Kanina pa nga gustong kunin ni Hashana ang kamay sa lalaki dahil nagsisimula siyang kabahan. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa sasakyang nakasunod sa kanila. "Medyo, malakas kasi ang aircon," rason ni Hashana. Pero ang totoo, nababalisa siya sa kung sino mang tao ang nakasunod sa kanila. Hininaan ni Rheo ang aircon kaya nabitawan nito ang kamay ng dalaga. Agad pinagsaklop ni Hashana ang palad pagkuwa'y muling sumulyap sa side mirror. Naroon pa din ang sasakyan. Marahas siyang bumuga ng hangin saka tipid na nginitian si Rheo. Sinubuk
Terakhir Diperbarui : 2025-06-17 Baca selengkapnya