CHAPTER 50“Mag-ingat ka, Ninong. Please, mag-ingat ka,” Tumingin siya sa kanyang mga tauhan.“Ingatan n’yo siya. I’ll kill you if something bad will happen to her,” banta niya sa mga ito. Magkasabay na tumango ang dalawang tauhan niya bago sumagot.“Yes, sir!” Hinaplos na muna ni Ninong ang aking tiyan bago umalis.Lumabas na ng kusina si Ninong at naiwan ako sa mga tauhan niya.Sa likod kami dumaan, nakaalalay sila sa akin ang dalawa. Pinapagitnaan nila akong dalawa at nakahanda na ang mga baril.“Kuya!” Napasigaw ako nang may isang lalaking sumalubong sa amin. May hawak itong baril at nakatutok na sa aming tatlo. Tinago nila ako sa kanilang likuran. Sobrang bilis ng mga pangyayari, nakarinig nalang ako ng isang putok. Tinakpan ko ang aking tainga at sumiksik na ako sa pader para lang makapagtago. At nang sumilip ako ay nakahandusay na sa sahig ang lalaking sumalubong sa amin. May tama ito ng baril sa kanyang dibdib. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatakip iyon. Mula pang-
Terakhir Diperbarui : 2025-07-24 Baca selengkapnya