CHAPTER 68“I love you, Amelia… I love you more than you know…” “I love you, Amelia… I love you more than you know…” Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi niya, parang sirang plaka. Mahal nga ba niya ako? O dahil ba may sakit siya kaya niya nasasabi 'yan, at kailangan niya ako? Tapos, kapag gumaling na siya, babalik na naman kami sa dati? Sa dati kung saan si Mikee ang mas inuuna niya? Dapat ko na kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya? F O U R M O N T H S L A T E RApat na buwan na ang nakalilipas mula nang sabihin sa akin ni Ninong ang mga salitang iyon, at masasabi kong pinatunayan at pinanindigan niya ang sinabi niya. Sa loob ng apat na buwan na iyon, ipinadama niya sa akin kung paano magmahal. Natutulog ako nang payapa, walang ibang iniisip, dahil sa loob ng apat na buwang iyon, ipinaramdam niya sa akin na ako lang ang babaeng mahal niya. Na ako lang ang babae sa buhay niya. 'Yong tipong hindi mo na kailangan sabihan siya kung paano ka niya itrato dahil g
Last Updated : 2025-08-03 Read more