CHAPTER 58Nag-iisa akong kumakain ng almusal. Ang tahimik ng paligid, ang tanging maririnig ko lang ay ang marahang pagnguya ko at ang malamyang tunog ng kutsara at tinidor na dumadampi sa plato. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain, nilalasap ang bawat subo ng sinangag at itlog. Kailangan ko pa ring kumain kahit na wala akong gana para makainom ako ng vitamins. Bigla na lamang may yabag na narinig ko mula sa likuran. Lumingon ako, at doon ko nakita si Ninong. May mga ngiti sa kanyang labi, Pagkalapit niya, yumuko siya nang bahagya, ang kanyang mukha ay malapit na sa akin, at marahan niyang dinampi ang kanyang labi sa aking pisngi upang bigyan ako ng halik.“Good morning. Nag-jogging lang ako sa labas,” sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ngunit sa halip na magpakita ng anumang emosyon, pinili ko na lamang na ngumiti, isang pilit na ngiti na umaasa na maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. “Good morning, nakakain ka na ba ng almusal?” tanong ko, ang boses k
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya