"Wait lang. Umupo ka rito. Uubusin ko muna 'tong pagkain ko, tapos usap tayo," aniko habang tinuturo ang bakanteng silya sa tabi ko.Buti na lang may isa pang upuan. Di siya kumilos, parang estatwa. Deadma na lang ako. Kung ayaw niya, ‘di wag. Niyaya ko na, diba? Choice na niya ‘yon."Kumain ka na ba? Kain tayo," alok ko, sinubukang gawing magaan ang hangin kahit medyo mabigat na.Bumuntong-hininga siya nang malalim, tapos tumingala sa langit na parang doon niya hahanapin ang sagot. Di ko talaga siya mabasa. Laging misteryoso, laging may dalang drama.Umiling na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Tahimik. Tanging kaluskos ng dahon at paglagok ko ng tubig ang naririnig.Maya-maya, napansin kong dahan-dahan siyang umupo rin sa silya. Medyo hirap siya dahil malaki siyang tao, parang hindi sanay sa masisikip na espasyo. Pero at least, umupo siya.Mukhang handa na rin siyang makinig, or sumagot.Tahimik pa rin. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Wala pa siyang sinasabi, pero
Last Updated : 2025-06-14 Read more