Tahimik ang buong bahay, ngunit sa bawat hampas ng hangin sa bintana ay tila may kasamang bulong na hindi ko mawari. Nasa kwarto ako, yakap ang unan, habang nakatingin sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog.Mula sa crib sa tabi ng kama, nakasabit ang maliit na mobile na may mga bituin at buwan, marahang umiikot sa ihip ng hangin mula sa bukas na bintana. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Atticus, ngunit ang kaba sa dibdib ko ay tila hindi lumuluwag.Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, pero bumabalik-balik ang mga imahe kanina. Ang malamig na metal ng bar*l sa kamay niya, ang matalim na tingin niya habang inilalagay iyon sa loob ng jacket, at ang paraan ng kanyang pagsabi.“Kailangan ko ito, Ceila.”Ano bang mundong ginagalawan mo, Atticus? Ano bang hindi mo sinasabi sa akin?Huminga ako nang malalim at hinaplos ang tiyan ko.“Baby… Daddy will come home. He promised.” Mahina kong bulong, bagama’t ang boses ko’y nanginginig. Hindi ko alam kung para bang ipinaaalala ko iyon
Terakhir Diperbarui : 2025-07-26 Baca selengkapnya