Clinic Day Pagdating namin sa clinic, parang kilala na ako ng staff. Nakangiti ang nurse, agad akong inasikaso at inalalayan. Si Atticus, gaya ng dati, nasa tabi ko lang—bitbit ang tote ko, and yes, pinakamatinik ang mata kapag may taong napapatingin sa akin nang matagal. “Relax,” bulong ko habang hinihintay naming tawagin sa OB room. “Trying,” he smirked, pero halatang alerto pa rin. Nang pumasok kami sa consultation room, si Dra. Beltran agad ang sumalubong. “Good morning! Mas lumaki na si baby, excited na akong makita siya ulit!” Tumango ako, habang si Atticus ay muling hawak ang kamay ko, gaya ng dati. Habang ginagawa ang ultrasound, tumigil sa salita si Doktora, nakatingin sa screen. Napakunot ang noo ko. “Is there something wrong?” tanong ni Atticus, agad ang tono. “No, no. Everything’s fine,” agad niyang sabi, ngumiti, at tinapik ang balikat ko. “Actually, I just confirmed… it’s a girl.” Nanlaki ang mata ko. “G-girl?” “Yes. Congratulations, Mommy and Daddy.” Napating
Last Updated : 2025-07-02 Read more