"Hi..." Nakangiti kong bati sa kanila, kahit alam kong may kasunod na sermon ang mga ‘yon.Nasa video call kami nina Jea at Cristel—ang dalawang kaibigan kong hindi lang maingay, kundi parang extension na rin ng konsensya ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama, balot ng kumot, habang hawak ang phone. Kita ko silang dalawa sa split screen: si Jea, nakasuot ng oversized shirt at may hair roller pa sa noo, at si Cristel, abalang-abala sa pagsasaayos ng phone dahil sinusubukang sunggaban ito ng anak niyang si Criselda.“Akin na ‘yan, Mommyyy!” sigaw ni Criselda, habang pilit kinukuha ang phone mula sa mommy niya.“Wait lang, baby. Si Ninang Ceila ‘to,” ani Cristel, habang pilit inaawat ang makulit na anak.Pero bago pa man ako makasagot, sumingit na si Jea, kita sa screen ang pag-irap niya. “Anong hi-hi ka d’yan? Putik, di mo naman sinabi na pumunta ka pala ng Singapore! Buntis ka pa naman. Sa’n mo na naman hinatak yang sarili mo?”Napakagat-labi ako, sinubukang pigilan ang tawa. “Alam k
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya