Sa unang sandali ay hindi agad pumasok sa isip ko ang ibig niyang sabihin. Napakurap ako at napatingin sa kanya, pilit hinahanap ang kasinungalingan sa kanyang mga mata, ngunit ang nakita ko lang ay matinding pag-aalala at determinasyon. "Bakit biglaan?" mahina kong tanong, halos pabulong. "Hindi ba sapat ang seguridad dito? Nandito si Athena, si Narnia, pati ang mga kapatid ni Thanos. Ligtas tayo rito, hindi ba?" Umiling siya, mariin at puno ng bigat. "Hindi ka ligtas kahit ilang pader pa ang itayo natin, kahit ilang tao pa ang magbantay sa paligid. The moment they found out about you, about our child, everything changed. Hindi ko hahayaang maging target ka, Ceila." Ramdam ko ang panlalamig ng aking balat sa bawat salitang binibitawan niya. Pinilit kong ngumiti, pilit na nagpakatatag. "Pero bakit sa probinsya ko? Doon, mas magiging kapansin-pansin tayo. Paano kung sundan nila tayo?" Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan. "Mas malaki ang tsansa kong itago ka roon. Mala
Last Updated : 2025-09-07 Read more