Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Magdamag akong nakatitig sa kisame, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang anino ng lalaking nakita ko kagabi sa bakod. Kahit anong ipikit ko ng mata, para bang naroon pa rin ang imahe ng kanyang paggalaw, mabilis, maingat, at puno ng intensyon. Nang sumikat na ang araw, ramdam ko ang bigat ng katawan ko, dala ng puyat at matinding kaba na hindi ko man lang nakuhang itulog.Pagbangon ko, agad kong pinuntahan si Lillyna. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang mahimbing na natutulog sa kanyang crib, payapang walang kaalam-alam sa mga pangyayari sa paligid. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, pinilit ngumiti, at saka dahan-dahang bumaba ng hagdan upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas.Hindi na ako nagtaka nang madatnan ko ang ilang pulis at sundalo na nagkakampihan sa may gate at kalsada. May mga baril silang nakasukbit, at bakas sa mga mukha nila ang seryosong pagmamatiyag. Ang ilan sa kanila ay kausap ni Leo, at nakapuwesto ang i
최신 업데이트 : 2025-09-12 더 보기