Nang marinig ko ang unang pag-iyak ng aming anak, para bang lahat ng sakit, lahat ng kaba, lahat ng paghihintay ay natunaw. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Atticus habang dumadaloy ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas na nararamdaman ko, pero alam kong iyon ay dahil sa presensya niya. “Congratulations, Ma’am. It’s a healthy baby girl,” sabi ng doktor habang maingat na inilapag ang sanggol sa ibabaw ng aking dibdib para makita ko. Napasinghap ako nang una kong masilayan ang maliit na nilalang. Ang kanyang balat ay mapula, ang kamay ay kumikibot-kibot, at ang munting bibig ay patuloy na umiiyak. “Love… our baby,” bulong ko kay Atticus, halos hindi makapaniwala. Parang natigilan si Atticus. Nakita ko ang paninikip ng kanyang lalamunan, ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Ang lalaking sanay sa laban, sanay sa dugo at panganib, ngayon ay nakatayo sa tabi ko, nanginginig ang balikat dahil sa dami ng emosyon. Maingat na kinuha ng nurse ang sanggol mula sa d
Last Updated : 2025-09-10 Read more