Napatitig si Roselynn kay Drake, nagulat sa naging tugon nito. Inaasahan niyang magagalit ito, o magtatanong pa ng mas maraming bagay—pero ang sabi lang nito ay “Tutulungan kita.” Sa hindi inaasahang sandali, naramdaman niyang lumuwag ang bigat sa kanyang dibdib.“Sigurado ka?” tanong niya, halos hindi makapaniwala.Tumango si Drake. “Roselynn, hindi ko man alam lahat ng nangyayari, pero isa lang ang alam ko—hindi kita iiwan sa gitna ng gulo. Kung ito ang sitwasyon ngayon, tatanggapin ko. Kung gusto mong tumulong sa mga batang ‘yan, nandito lang ako.”Hindi alam ni Roselynn kung anong uunahin—ang hiya, ang pagkalito, o ang kakaibang kalmadong dahan-dahang bumabalot sa kanya dahil sa presensya ni Drake.“Salamat,” mahina niyang tugon, sabay tingin sa mga bata sa loob na ngayon ay tahimik na nakikinig.“Siya ba ang boyfriend mo, Miss Rosie?” tanong ni Eli na biglang lumapit, hawak ang laruan nitong kotse.Napatingin si Drake kay Roselynn, saka ngumiti ng hilaw. “Pwede rin,” biro nito, p
Terakhir Diperbarui : 2025-07-18 Baca selengkapnya