Kinabukasan, maagang dumating si Roselynn sa opisina, bitbit ang kape at ilang dokumento. Hindi pa siya nakauupo nang bumukas ang pinto ng opisina ni Asher.“Good morning, sweetheart,” bati nito, nakangiti na parang walang ginawang kasalanan kagabi.“Sir,” tipid niyang tugon, sabay lagay ng mga papeles sa mesa.“Wala ka bang sasabihin tungkol sa kagabi? Masarap naman ‘yung cake, ‘di ba?” may mapang-asar na tono si Asher habang umiinom ng kape.“Sir, kung may masasabi ako, baka hindi mo magustuhan,” sagot niya, diretso ang tingin sa computer. "saka tigilan niyo na nga ako ng kaka sweetheart niyo. Tuwang tuwa kayong naiinis ako sa inyo ano?""Oo.." lalo pang nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanya ni Asher, "natutuwa akong naiinis ka, dahil mas lalo kang gumaganda."Pikang pika na siya sa lalaking ito. Nais pa sana niyang makipagtalo dito, ng makareceived ng text mula kay Drake.DRAKE:-Roselynn, babe.. mag usap naman tayo. Nais kong ipaliwanag ang sarili ko.. gusto kong ipaalam sayo an
Last Updated : 2025-08-13 Read more