Sa Watson mansion, hindi pa rin bumabalik si Rafael mula sa meeting sa construction site ng bagong branch ng kanilang kompanya. Pero kahit wala pa siya, abala na ang ilang tauhan sa paghahanda ng kanyang schedule para sa linggo ng engagement. Naroon si Doña Vivian sa opisina niya, kausap ang event coordinator. “We want everything grand, clear? No mistakes. This event will be both for my son’s engagement and for the Luceros Foundation.” “Yes, Ma’am. All noted.” Pagkatapos ng tawag, napatingin si Vivian sa larawang nasa lamesa niya—isang lumang baby picture ng isang sanggol na babae, hawak ng mag-asawang Luceros. Ini-slide niya iyon papasok sa drawer at muling bumalik sa paperwork. Hindi pwedeng masira ang deal. Hindi pwedeng mawala si Camilla. *** Kinagabihan, tumawag si Camilla kay Rafael. Hindi agad sinagot ng binata, pero sa ikaapat na ring, kinuha na rin nito ang phone. “What is it?” “Rafael… can we talk?” “I’m busy.” “Please. Just hear me out. One last time.” May ilang s
Terakhir Diperbarui : 2025-06-23 Baca selengkapnya