Sa isang tahimik na coffee shop sa gilid ng kalsada, nakaupo si Camilla sa pinakaloob na bahagi ng café, suot ang itim na shades at kulay beige na trench coat. May scarf pa itong balot sa leeg kahit hindi naman malamig ang panahon. Kasalukuyang nakatitig sa orasang Rolex sa pulso habang inip na inip sa kahihintay. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating ang dalawang taong matagal na niyang hinanap—ang tiyahin at tiyuhin ni Nica. Si Aling Lorna, suot ang manipis at punitin nang blouse, may hawak pang plastic bag ng chicharon. Si Mang Temyung, amoy alak, may yosi sa kamay at nakasabit sa leeg ang pekeng gold chain. “Ay, sorry po, Ma’am,” bungad ni Aling Lorna, agad umupo sa kaharap ni Camilla. “Alam n'yo na, traffic… saka medyo—” “Wala akong oras para sa palusot,” malamig ang tono ni Camilla, tinanggal ang shades at diretsong tumitig sa dalawa. “I called you here because I need something done. Discreetly.” Napatingin si Mang Temyung sa kasama, tila nakaramdam ng kaba ngunit agad di
Terakhir Diperbarui : 2025-06-28 Baca selengkapnya