Share

Kabanata 22

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-06-23 16:22:25
Matahimik ang buong mansiyon. Wala ni isang tao ang naglalakas-loob na kumatok sa silid ni Rafael kahit halos magsimula na ang engagement party nila ni Camilla sa grand ballroom ng Watson Estate. Lahat ay abala sa pag-aasikaso ng mga bisita, sa pagkain, sa dekorasyon, sa musikang patuloy na tumutugtog sa ibaba. Ngunit ang pinaka-importanteng tao ng gabi—ang groom-to-be—ay ni hindi pa bumababa.

Sa loob ng silid, nakaupo si Rafael sa may gilid ng kama, nakayuko at mahigpit na hawak-hawak ang kwintas sa kanyang palad. Sa dulo ng chain ay ang singsing na dati pa niyang inihanda para kay Nica—ang babaeng muntik na niyang pakasalan… ang babaeng iniwan siya sa araw na dapat ay ipagkakaloob niya ang buong buhay niya rito.

Limang taon. Limang taon na mula nang mahulog talikuran siya ni Nica, kasabay ng pagbagsak ng tiwala at pagmamahal niya kay Nica. Pero he never threw it away. Instead, he turned it into a pendant, as if keeping her memory close to his chest… literally.

“This was supposed t
Deigratiamimi

Inlove pa rin si Rafael HAHAHAHAHA

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 36

    Hindi alam ni Nica kung ilang beses siyang lumunok bago tuluyang makapagsalita. Halos naririnig niya ang tibok ng puso niya sa kaba habang tahimik na nakaupo sa gilid ng sofa. Si Rafael naman ay tila walang naririnig—nakayuko ito at abala sa pag-aayos ng mga papeles sa coffee table, tila walang pakialam sa presensiya niya. “Rafael…” mahinang panimula ni Nica, halos hindi lumalabas ang boses. Napatingin si Rafael, ngunit hindi ito nagsalita. Naghintay lamang siya, tinititigan ang dalaga na halatang nag-iipon ng lakas ng loob. “Pwede bang… bumalik ako sa trabaho ko sa hotel?” Napakunot ang noo ni Rafael, pero hindi siya agad sumagot. Bagkus, tinigil nito ang ginagawa at dahan-dahang iniayos ang pagkakaupo sa harapan niya. “I mean…” pagpapatuloy ni Nica habang pilit ngumingiti kahit halata ang kaba sa tinig, “kailangan ko pa rin naman ng income kahit papaano. And I don’t want to just sit here and feel useless habang ikaw ang gumagastos sa lahat.” Umangat ang tingin ni Rafael sa tiya

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 35

    Watson Mansion. Galit na galit si Doña Vivian habang pinagmamasdan ang balita sa tablet niya—ang litrato ni Nica na papasok sa condominium ng sariling anak. "She’s staying with him now? That… maid?" bulong niya sa sarili, nanginginig sa inis. Hindi niya matanggap na ang isang tulad ni Nica, na ilang taon na niyang pinapalayo sa mundo ni Rafael, ay ngayon ay parang prinsesa na ring pinoprotektahan ng anak niya. Isang hampaslupa na muling sumusulpot sa buhay ng anak niya—hindi niya hahayaan iyon. Tinawagan niya agad ang doktor niya. “I need you to play your part now. Sabihin mo kay Rafael na lumalala ang kondisyon ko,” utos niya, malamig at mapanganib ang tono. “I’ll pay you thrice your monthly f*e. Just make sure he believes I’m on the verge of another cardiac episode.” Tumawa ang doktor sa kabilang linya, parang sanay na sa ganitong klaseng kasunduan. “Understood, Ma’am.” Pagkababa ng tawag, pumunta siya sa kwarto at pinindot ang button ng emergency alert system sa tabi ng kama. S

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 34

    Nang makasiguro si Rafael na maayos ang lagay ni Nica at ng batang dinadala nito—na ligtas ang tibok ng puso ng sanggol at walang internal na pinsala sa katawan ni Nica—agad siyang umalis ng ospital, dala ang matinding galit at determinasyong wakasan ang pagpapahirap sa babaeng mahal niya. Hindi pa man sumasapit ang hapon ay bumalik siya sa probinsya. Bumaba siya mula sa itim niyang SUV, kasunod ang dalawang bodyguard at isang truck ng demolition team na kasama niya mula pa Maynila. Diretso siyang pumasok sa bakuran ng bahay ng mga tiyuhin ni Nica, hawak sa kamay ang dokumentong nagpapatunay na siya ang nagpagawa ng buong bahay at lupa ng mga ito. Naabutan niya ang mag-asawang sina Aling Lorna at Mang Temyong na nag-iinuman sa harapan ng bahay, may kausap pang dalawang lalaki at isang babae—mukhang kalaro sa sugal. Nagbubunong-braso sa mesa habang abala sa tagay at halakhakan. Wala ni isa sa kanila ang tila nag-alala man lang sa nangyaring insidente kaninang umaga. Ngunit natigil an

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 33

    Napabuntong-hininga si Nica habang tanaw mula sa bintana ng sinasakyan niyang bus ang mga bukiring tila walang ipinagbago mula nang huli siyang umuwi. Mahigit isang taon na rin ang lumipas mula noong huli niyang nakita ang kaniyang ina, at ngayon, dala-dala niya ang halagang ₱100,000 — perang inutang niya kay Rafael, hindi para sa sarili, kundi para sa utang ng tiyahin niyang si Aling Lorna at para sa pagpapakumpuni ng bahay nilang halos gumuho na noon. Nang makababa siya ng bus, agad siyang sinalubong ng alikabok at sikat ng araw. Mainit, pero mas mainit ang kaba sa dibdib niya. Hawak ang maliit na bag, tinungo niya ang makitid na daan patungo sa kanilang bahay. Pero nang tumambad sa kaniya ang bahay nila, natigilan siya. “Ano ‘to…” bulong niya sa sarili. Ang dating tagpi-tagping bubong, ngayon ay kinang na kinang sa bagong yero. Ang mga bitak sa dingding, wala na. May bagong pintura, may bagong bintana — para bang hindi ito ang bahay na iniwan niya. Pumasok siya sa loob at halos

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 32

    Pagkarating ni Rafael sa ospital, halos masakal siya sa kaba nang madatnan niya si Nica na nakaupo sa gilid ng kama, namumugto ang mga mata at mahigpit ang pagkakayakap sa sarili. Parang nawalan ng kulay ang buong mundo niya sa itsura ng babaeng mahal pa rin niya kahit ilang taon nang lumipas. “Nica,” mahinang tawag niya, pero puno ng kirot at pag-aalala ang tinig. Napatingin si Nica sa kaniya. Agad na tumulo ang luha sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan. Wala na siyang lakas upang itago ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Lumapit si Rafael at dahan-dahang naupo sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ni Nica, ngunit marahang iniwas nito. “Rafa, please... huwag mo nang palalain,” garalgal ang boses ni Nica. “I won’t let this slide, Nica. Hindi ko hahayaang makaligtas si Camilla sa ginawa niya sa’yo,” mariing sabi ni Rafael. “I’m filing charges. Attempted homicide iyon.” Umiling si Nica habang nagpupunas ng luha. “Wala namang namatay. Saka… alam kong hindi niya intensyon. G

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 31

    Sa opisina ni Rafael, nanlaki ang mga mata ng assistant niya nang biglang pumasok si Camilla, kasunod ang mga magulang nitong sina Agnes at Gerald Luceros. Bakas sa mukha ng tatlo ang tensyon at galit. “Rafael!” sigaw ni Agnes habang malakas na ibinagsak ang pinto. “How dare you file a case against Camilla?!” Umangat ang tingin ni Rafael mula sa kanyang laptop. Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lamang niya ang tatlo, ang pagkabigla sa mukha ni Camilla at ang pagngangalit ng bagang ng ama nito. “Hindi ko palalampasin ‘yong ginawa niya kay Nica,” matigas niyang sabi, sabay tayo mula sa upuan. “She almost killed her.” Camilla stepped forward, umiiyak, nanginginig ang boses. “Rafael, please… I didn’t mean it. Hindi ko sinasadya. I was just driving. Hindi ko naman alam na si Nica pala ‘yon!” “So what if it wasn’t her? You were reckless, Camilla. Wala kang pake kung sino ang masaktan basta maibsan lang ang galit mo.” Gerald slammed his fist on Rafael’s desk. “You’re choosing a maid over o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status