Pagkapasok pa lang ni Rafael sa loob ng unit, napansin na niyang bukás ang ilang drawers sa sala. May maleta sa tabi ng sofa, at nakatumpok sa ibabaw ng coffee table ang ilang piraso ng uniform—ang lumang uniporme ni Nica sa hotel. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, mababa ang boses, pero punô ng tensyon. Diretso siyang lumapit at huminto sa likod ng dalaga. Nagulat si Nica, pero hindi siya lumingon. Patuloy lang siyang nag-ayos ng gamit, pilit iniwasan ang tingin ng binata. “I’m going back,” mahinang sagot niya. “Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho.” “Where?” tanong ni Rafael, kahit alam na niya ang sagot. “Sa hotel,” maiksing tugon ni Nica. “Na-approve naman ni Ma’am Eula ’yung request ko. Babalik ako bukas.” Bahagyang tumigas ang panga ni Rafael. “You just lost a baby, Nica. And now you want to go back to scrubbing floors?” Doon na siya napalingon. Tumitig siya kay Rafael, diretso, walang takot, pero ramdam ang hinagpis. “I lost our baby, Rafael,” mariin niyang sabi. “And
Terakhir Diperbarui : 2025-06-30 Baca selengkapnya