"Ano? Ginugulo ka na naman ng gonggong mong ex? Dapat nga magdiwang na s'ya dahil malaya s'yang makipaglampungan sa ex niya!" malakas na bulalas ni Sandra dahilan para mabulabog ang lahat ng trabahante ng design studio. Nakasimangot na sinaway ni Aella ang kaibigan. "Ssh, babaan mo nga ang boses mo. Baka maeskandalo sila." Binaba nito ang boses. "Besh, gatekeep mo 'yang puso baka mamaya ay mapipikot ulit." Inikot niya ang mga mata. "I'm not stupid like before. Hindi na ko magpapadala sa kanya maski suyuhin niya ako bente-kwatro oras, who you s'ya sa akin ngayon," bulong niya, tanging silang dalawa lamang ang makakarinig. Kumunot ang noo nito. Akma sanang uupo sa tabi n'ya pero sinita niya. "May collaboration shoot ka pa mamayang alas dos, 'di ba? One-thirty na! Umalis ka na!" "Ano ba 'yan? Para naman akong aso," napabungisngis nitong usal. Pinagpag ang damit pero biglang huminto, napansin n'yang namula ang pisngi nito. "Hey, what's wrong?" Inangat niya ang ulo, gaya ng kaib
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya