“Maybe I should give up,” halos pabulong na wika ni Raffaelo,nasa tono ang dismaya, lungkot at kawalang pag-asa. Nasa kanyang silid siya, malamlam ang ilaw ng lampshade, maraming lamok at mainit. Kaya bumangon siya at naisipang tawagan ang kaibigan. “Wala yatang patutunguhan ang pagpapanggap kong ito, Aella.”Marahas na bumuga ng hangin ang kaibigan sa kabilang linya. “Maaga pa para sumuko. Kilala kong marupok si Sandra, pa-in love-in mo siya sa katauhan mong iyan. As long wala pang ibang lalaking umaaligid sa kanya, diskartehan mo na.”Kinibot niya ang dulo ng labi. "Ewan kung makukuha ko talaga ang loob niya. Kasalanan ko ito. Naging tanga ako noon. Kung hindi sana ako nagpadala kay Evana, hindi ito mangyayari," naiiyak niyang sambit. Desperado at nawawalan na siya ng pag-asa para mabawi ulit ang asawa."Wala kang kasalanan dito. Ang madrasta mo ang dapat sisihin. Laban lang, Raffaelo. Matapang ka eh saka duwag lang ang sumusuko. Mag-igihan mo para mabawi mo siya. Saka nandito ako p
최신 업데이트 : 2025-09-16 더 보기