Pagkarinig ni Maria ng mungkahi, biglang napahigpit ang hawak niya sa tuyong isda sa kamay."Hindi pwede," bulong ni Maria. "Noong iniwan sa akin si Zein ng matandang babae, ang bilin lang niya ay 'Hindi ko hinihiling na maging mayaman ang anak ko, basta ligtas at payapa ang buhay niya.' "Pero hindi na napigilan ni Agatha ang luha."Ma, pero hindi siya ligtas ngayon! Nabubuhay siya sa gitna ng paninira, panlilinlang, at pananakit ng mga taong mababa ang tingin sa kanya at minamata sya. Anak ko siya! Buong buhay ko, pinalaki namin siyang matalino at maayos, siya ang buhay ko. Pero tingnan mo ngayon, para siyang walang kakampi. Kung nalaman lang nila na anak siya ng Emilio family, sa tingin mo ba may lalakas pa ng loob na apihin siya?"Napabuntong-hininga si Maria. "Ang Emilio family, anak, ay hindi para sa katulad ni Zein. Kung sa Ashford family, nasasaktan lang siya... sa Emilio, baka buhay niya pa ang kapalit.""...""Wala nang usapan pa tungkol dito, lalo na sa
Terakhir Diperbarui : 2025-07-02 Baca selengkapnya