Umaga na nang makauwi si Kayla. Pagod na pagod siya at puyat dahil sa dalawang magkasunod na major surgery niya. Wala pa siyang tulog, walang pahinga. Nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa tagal niyang nakatayo. Sanay naman na siyang nakatayo maghapon pero ngayon niya lang naranasan ang magkaroon ng sunod-sunod na surgery.Nakauwi siya ng maayos dahil siniguro niyang walang nakasunod sa kaniya. Tiningnan niya ang cellphone niya, pansin niyang sunod-sunod siyang tinawagan ni Owen kagabi. Marami rin siyang message galing kay Owen.“Oh shit!” aniya, para bang nagising ang buong diwa niyang natutulog. Naalala niyang may susundo pala sa kaniya kahapon. Hindi niya rin nasabihan si Owen tungkol sa pag-overnight niya sa hospital. Tatawagan pa lang sana ni Kayla si Owen nang biglang bumukas ang pintuan galing sa main door. Napaatras si Kayla dahil galit na galit ang mukha ni Owen. Tila ba umaapoy ang mga mata ni Owen na nakatingin sa kaniya at napapaso siya.“Owen,” mahina niyang usal.“Wher
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya