Tulalang naglalakad si Kayla papuntang Pediactric ICU para tingnan ang mga pasyente niya dun. Nang makapasok na siya sa pintuan ay inalis niya na sa isipan niya ang mga nangyari sa kaniya kahapon.“Good morning doc,” bati sa kaniya ng mga nakaduty na nurse.“Good morning.” Balik niyang bati saka nginitian ang mga ito. Binuksan niya na ang mga record ng mga pasyente niya. Tiningnan niya ang ventilator ng mga ito. Napansin niyang bumaba na ang settings ng ventilator ng isa niyang pasyente.“Kailan pa binabaan ang settings ng ventilator ni baby Kate?” tanong niya dahil hindi naman siya ang gumawa nun.“Bago doc nag-out si Doc Rommel kanina. Pinapractice niya kung kakayanin na ni baby Kate, okay naman siya doc. Wala namang nangyari, normal din ang mga vital sign niya.” sagot ng nurse na siyang nagbabantay kay baby Kate. Napangiti naman si Kayla.“Very good baby, galingan mo pa ha? Para mabawasan na ang nararamdaman ng mga magulang mo. Mag-iisang taon ka na dito sa hospital kasama namin. W
 Last Updated : 2025-10-04
Last Updated : 2025-10-04