Lumipas ang halos isang linggo, hindi na nakipagkita si Kayla kay Owen. Gusto niyang tapusin na kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa. Alam niyang wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Owen pero ayaw niya ng mapalapit dito lalo na at alam niya namang gagamitin lang siya ng pamilya niya.Gaya sa nakalipas na mga araw, nakatanaw lang sa bintana si Kayla habang nakatingin kay Owen na naghihintay sa kaniya.“Hindi ka ba talaga magpapakita sa kaniya? Bakit hindi mo ipaliwanag sa kaniya kung bakit ayaw mo ng mapalapit sa kaniya para naman hindi siya maiwan sa ere. Paano kung tanungin niya ang sarili niya, mapaisip siya kung may nagawa ba siya sayo na hindi mo nagustuhan? Hindi solusyon ang pag-iwas mo sa kaniya, Kayla. Talk to him, he deserves to know your reason.” Saad ni Jane. Napabuntong hininga naman si Kayla. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag at messages ni Owen.Gusto niya nang umiwas para hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya para rito at para hindi rin mag
Last Updated : 2025-09-02 Read more