Habang nasa loob ng taxi pabalik sa ospital, hindi pa rin maalis sa isip ni Jacey ang mga sinabi ni Thania. Oo nga, ni minsan ay hindi siya hinalikan ni Lorien. Nakakapagtaka rin, dahil kung tutuusin ay may mas matitindi pa siyang ginawa, pero bakit sa simpleng halik ay tila mailap siya? "Eh sino bang may pake? Ayaw niyang humalik, edi 'wag!""Ano po 'yun, ma'am?" gulat na tanong ng driver nang marinig ang sinabi niya tungkol sa halik."Pasensya na po, masyado lang akong nadala sa binabasa kong nobela.""Ang anak ko mahilig din magbasa ng nobela, minsan tatawa o ngingiti mag-isa parang sira ulo… ay, hindi po kayo 'yung tinutukoy ko," agad na dagdag ng taxi driver. Pagdating sa nobela, hindi talaga siya mapigilan."Ah, ganun ba," mahina niyang sagot. Tama nga naman, natamaan siya sa sinabi.Sa ospital…"Ano po'ng pinagagawa sa inyo ng doktor ngayon, Ate?"Ikinuwento ni Jacey sa kapatid ang mga ginawa niya buong araw, at binanggit na bumisita rin siya sa anak niyang nasa NICU."Bakit p
Read more