CHAPTER 57Lumipas ang panahon at anim na buwang gulang na si Baby Katie ngayon. Siyempre, anim na buwan na rin ang ipinagbubuntis ni Jacey.“Mag-ingat ka sa paglalakad o pag-akyat-baba. Kung kaya, huwag ka nang bumaba , kung may kailangan ka, tawagan mo na lang ang mga kasambahay,” sabi ni Madame Hazel nang makita niyang bumaba si Jacey sa sala.“Gusto ko rin kasing makalakad-lakad,” sagot ni Jacey. Wala na nga halos siyang ibang ginagawa, at kahit minsan hindi maganda ang pananalita ni Madame Hazel, alam naman niyang nag-aalala ito.“Lumipat ka na lang sa kuwarto sa ibaba, mas mabuti iyon kaysa akyat-baba ka pa,” dagdag pa ni Madame Hazel.Habang nag-uusap sila, lumabas mula sa kusina si Kate.“May kailangan ka ba? Ba’t di mo sinabi sa akin?” tanong nito, kapareho halos ng sinabi ni Madame Hazel.“Gusto ko lang gumalaw-galaw, Ate. Nasaan na nga pala si Katie?”“Tulog pa,” sagot ni Ate Kate. Hindi rin naman siya masyadong nahihirapan mag-alaga ng anak dahil kumuha na ng yaya si Madam
Read more