Nang malaman niya ang tungkol sa nakaraan ni Lorien, nagsimula na rin siyang makaintindi... Pero anong basehan ng sinabi ng babaeng 'yon? Siyempre, hindi naman si Jacey ang tipo ng tao na nagpapapigil sa alinlangang nararamdaman niya. Kaya kailangan niyang tanungin si Lorien mismo tungkol sa sinabi ni Thania. Kaso, paano niya tatanungin 'yon, kung may masamang alaala si Lorien tuwing tungkol sa halik ang usapan?Nagpatuloy pa rin siya sa trabaho hanggang gabi, dahil personal na usapin ang isyu, at ayaw niyang idamay ito sa trabaho."May ipapagawa pa ba kayo sa akin, Manager Derrick?""Wala na, salamat, Jacey." May bahid pa rin ng pagsisisi sa tono ni Derrick—hindi niya alam na buntis si Jacey, at noong unang araw ng trabaho'y halos ipalakad niya ito sa buong hotel."Kung gano’n, mauna na po ako." Paalam niya."Sige, ingat ka."Medyo nagtaka si Jacey dahil parang wala naman talaga siyang gaanong ginawa ngayong araw.Habang papalabas siya para sumakay sana ng taxi, may humintong sasakya
Read more