Makalipas ang ilang araw ng pahinga, pag-aayos, at muling pagtanggap sa isa’t isa, dumating ang araw upang ipalabas na Ang shoot nung nakaraan ni Jayten at Criscel na press conference. Kasama pa rin si Jayten Justin Olarte, sugatan—hindi lang sa katawan, kundi pati sa damdamin. Suot niya ang simpleng itim na polo, may benda pa ang noo’t isang braso, ngunit matatag ang tindig. Sa kanyang tabi, hawak-kamay niya si Criscel, ang babaeng ilang linggo lang ang nakalipas ay itinuturing na panganib. Ngayon, nakatayo siyang taas-noo sa tabi ni Jayten, tahimik pero buo ang loob. Ramdam naming lahat na ito ang pagkakataong tatapusin nila ang mga espekulasyon, maling akala, at panghuhusga ng publiko. Nanonood kami mula sa hospital lounge, sina Tita Tina at tito JJ, sina tita Jai at Tita Franz, pati na rin sila Tita Laica, Tito Aicel, Cheska, Jayten, criscel at ako. Tahimik lang kaming nakatingin sa screen habang unti-unting nagsimula ang presscon. Um
Huling Na-update : 2025-08-22 Magbasa pa