Flashback...Tumango ako sa estudyanteng nagtaas ng kamay, isang binatang nakasuot pa ng ID, mukhang freshman pero matapang ang boses at puno ng kuryosidad ang mukha. “Ikaw po ba si Yhlorie Salves, yung may-ari ng Salves Org?” tanong niya, na agad namang sinundan ng mga bulungan sa paligid.Pinili kong tumayo nang diretso, tinanggal ko ang suot kong coat at ipinatong ito sa gilid ng mesa. Huminga ako ng malalim. “Oo,” sagot ko, walang pag-aalinlangan. “Ako si Yhlorie Salves, CEO ng Salves Organization… at oo, totoo rin na ako ang naging General Biology substitute professor niyo."Halos sabay-sabay ang reaksyon ng mga estudyante. May napanganga, may nagtawanan, pero karamihan, nagulantang.“Pero, sir, bakit niyo kailangan magturo? Diba po parang… weird?” tanong ulit ng estudyante, puno ng pagtataka. “Misteryoso nga po kayo sabi sa balita, pero hindi namin inakalang papasok kayo sa university para lang magturo. Hindi ba dapat nasa opisina kayo?”
最終更新日 : 2025-08-06 続きを読む