Makalipas ang ilang linggo ng pagpapagaling, sa wakas—nakalabas na rin ako sa ospital. Ramdam ko pa rin ang kaunting kirot sa tagiliran ko, pero mas nangingibabaw ang gaan sa puso ko. Wala na ako sa puting silid na puro amoy alcohol at makina. Sa halip, nandito na ako ngayon… sa isang lugar na may tawanan, may musika, at may hangin ng kalayaan—amusement park.Mainit ang araw pero presko ang simoy ng hangin. Makukulay ang mga ilaw sa paligid, may mga batang tumatawa habang umiikot sa carousel, at may mga couples na naglalakad, hawak-kamay, habang kumakain ng cotton candy. Isa sa mga paborito kong lugar noong bata pa ako—pero mas espesyal ito ngayon, dahil kasama ko ang mga taong mahalaga sa akin.Nakita ko siya mula sa di kalayuan, nakatayo sa harap ng isang game booth, nakapamewang, at nakangiti habang nakikipagtalo kay Cheska tungkol sa kung sino ang mas maraming kaya’ng manalo ng teddy bear.“Yhorieeee!” sigaw ko, malakas at masaya, sabay taas ng kamay h
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-02 อ่านเพิ่มเติม