Pagdating namin, ramdam agad ang kasiyahan. Nagsimula kami sa paglakad sa mga makukulay na kalsada ng parke, hawak-kamay namin ni Dark habang tinitingnan ang paligid—mga malalaking ferris wheel, mga nakakatuwang stalls, at ang mga naglalakad na masayang tao. “Alam mo, ang tagal ko nang hindi ganito kalaya,” bungad ni Dark habang ngumiti sa akin.“Tama ka,” sagot ko, pinisil ko ang kanyang kamay nang mahigpit. “Kailangan talaga nating maglaan ng ganitong oras para sa sarili natin, para sa mga mahal natin.”Habang naglalakad, napansin kong nakatingin si Jayten kay Criscel na abala sa pagkuha ng litrato. “Jayten, mukhang na-love mo talaga ‘yan ha,” biro ni Red, sabay tawa.Napailing si Jayten, pero hindi maikubli ang ngiti sa kanyang mukha. “Siyempre naman. Siya lang ang dahilan para bumalik ang saya sa buhay ko,” sagot niya, sabay yakap kay Criscel.Sumunod naman si Cheska at Red na magkasabay din naglalakad. “Ang saya lang talaga dito,” sabi ni Che
Last Updated : 2025-08-24 Read more