Sa isang cozy milk tea café sa tapat lang ng campus, nagkumpulan ang apat sa isang sulok na booth—maliit pero sapat na para maging ligtas sa mga mata ng ibang estudyanteng tila patuloy pa rin ang bulungan sa labas.May halo-halong ilaw ang loob—soft yellow at warm orange, may fairy lights pa sa kisame. Tahimik ang background music, lo-fi beats na parang ginagawang mas mabagal ang mundo, na para bang sinasadyang bigyan sila ng oras para huminga.“Gusto ko ng wintermelon, large, with pearls and pudding, and less ice!” mabilis na order ni Cheska, habang excited na pumipindot sa tablet na ginagamit ng café para sa self-order.“Babe, ako na rin mag-oorder sa’yo. Alam ko naman taste mo. Hindi mo rin naman gets menu,” sabay ngisi kay Red.“Tama ka na naman. Basta matamis, okay na ‘ko,” sagot ni Red habang inaayos ang jacket niya. Pero pansin ni Quicee na panay pa rin ang sulyap ni Red sa cellphone niya—parang alerto pa rin, parang hinihintay na may mangyari.
Last Updated : 2025-08-08 Read more