**Natasha** “Sure ka bang ayos ka lang, Nath?” tanong ni Gabriel muli habang nasa biyahe kami patungo sa bahay ni Gia. Tahimik lang ako buong biyahe, nakatuon ang mga mata sa labas ng bintana. “I am fine, Gab,” mahinang tugon ko, bakas pa rin ang kalamigan sa tono ko. “No, you’re not,” sagot niya, kaya napalingon ako sa kanya. Sandali kong napansin ang mahigpit niyang kapit sa steering wheel. Siya ang nagda-drive ng kotse ko; sinabi niyang sasakay na lang siya pabalik sa bahay ni Clarenze pagkatapos niya akong ihatid. “Halata mo naman pala na hindi ako okay, tapos nagtatanong ka pa?” tugon ko, may halong pabalang na tono. Mahina siyang natawa. “Sorry, My Love,” paumanhin niya. Saglit akong natigilan sa tawag niya. Ibinabalik niya ang dati naming call sign. “My love?” “Yeah, My Love. Iyan ang tawagan natin dati, hindi ba? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na,” aniya, bahagya pang napapangiti habang seryoso ang titig niya sa daan. “Malas ang call sign na iyan, Gabriel,” sagot
Huling Na-update : 2025-11-10 Magbasa pa